Gabi non,ika-walo ng buwang Abril... hindi ko inaasahan ang tawag galing sa di kilalang numero sa aking telepono.. ah! isang kaibigan mula sa ibang bansa.Nasa Yokohama na raw siya at nakastay sa isang hotel doon.Matagal tagal ko na ring kakilala ang taong ito, mula sa aming mga palitang disksyunan sa isang site sa internet.Hindi na ako nagdalawang isip ng hingan ako ng kahit man lang lunch or dinner man lang daw sana habang andirito siya sa Japan.Pagbaba ng telepono, hindi na ako mapakali at nagtanung tanong na ako sa aking mga kasamahan sa aking trabaho,pati na ang aking manager ginulo ko na sa pagtanong kung pano ba makakarating ang isang panauhin mula sa Yokohama papunta dito sa aming lugar.Mga apat na sakay siguro ng tren ang kelangan bago makarating dito ang kelangang gawin ng kaibigan kong ito.Di ko maipaliwanang ang nararamdaman ko ng panahong iyon.Masaya,excited,flattered..biruin mo,dadayuhin ako ng isang kaibigan mula sa malayong lugar para lang makita at makasama ako.whew!Kinabukasan,ala una ng tanghali ang dating niya sa istasyon ng tren sa aming lugar.Na-late pa nga ako sa usapan dahil na rin sa paghihintay ko ng taxi,nako naman... sa loob ng maga-apat na taon ko sa Japan,hindi ako sumasakay ng taxi!hahahaha... adventure!Nasa loob ako ng taxi ng tawagan ko pa ang isa sa malapit kong kaibigan mula sa Pilipinas,sinabi ko kung san at kung sino ang kakatagpuin ko ng mga oras na iyon, kung gaano ako kabado sapagkat ni anino ng taong iyon eh hindi ko pa nakikita.Pagbaba sa train station, ang sabi ng kikitain ko, naroon daw lamang siya... sa labas lang ako, habang kausap sa kabilang linya si "mine",kinakabahan ako dahil mula sa akong kinatatayuan, may isang lalaki na grabe kung makasipat sa akin, sabi ko nga kay mine, kung yun ang guy na kikitain ko, malamang sasakay na ako ng taxi at uuwi pabalik! hahaaha.. well, sa paghihintay, mula sa loob ng istasyon ng tren, may isang lalaki na dumungaw at biglang ngumiti at biglang kumaway sa akin... ako lang ang naroroon sa pwestong yon kaya im pretty sure ito na ang taong kakatagpuin ko. whew! buti na lang hindi ung lalaking nakatayo sa di kalayuan na kanina pa tingin ng tingin sa akin na akala mo eh kakainin ako ng buo... hahaha... Nagpaalam na ako kay mine ng masigurado kong eto na nga sa harapan ko si lowell.
Hi, hello.. beso beso. kwentuhan saglit.Umuualan at wala akong ideya kung ano ba talaga ang maganda naming gawin dito sa aming lugar, nahihiya ako kay lowell kasi dinayo pa talaga ako sa napakaliblib na lugar ng bansang Japan kahit na umuulan para lang makita ako. Sice pareho kaming hindi pa kumakain, napagpasyahan naming mas mabuti pang kumain na muna at dun na mapahusapan kung anuman ang pwedeng gawin.
Taxi!sa sasakyan, tawa kami ng tawa ni lowell, sabi nga... josko! first time kong sumakay ng taxi alone ng taxi, first time kong gumala mula sa akong apartment ng magisa para lang gumala with a first time met guy. hahahahah! Masayang kasama si lowell, puno ng kwento... para ngang ang tagal na naming magkakilala nung magkita kami.Sa lahat ng mga kakilala namin from the same site we were in, wala pang nakipag meet sa akin one on one at siya lang... talaga naman! ang effort! *winks*
Mother's Cafe! isang restaurant na malapit sa pinagtratrabahuhan ko siya dinlaa to have our late lunch, i think.. alas dos na un ng tanghali... kwento kwento kwento... picture picture! hahaha... we had our great time! masaya na ewan...
3:30pm ng nagpatawag na kami ulit ng taxi... nung una nga dapat magpupunta kami sa park para an lang maipakita ko sa kaniya ang sakura, ang problema, malamig at umuulan pa! awWw!eh pano yan?! nakakahiya naman dahil hindi ko alam kung san ko pwedeng ipasyal or ilibot ang kaibigan ko sa aking lugar, well, ive told him naman na hindi talaga ako lumalabas, kung lumalabas man ako, kasama ko mga kaibigan ko.. sauna,ofuro,shopping,salon! ayun! hahahaha.... samahan na lang daw niya akong magpagupit since i was scheduled to cut my hair that day... nyek! ano ba naman yan! hahahah....Game arcade?! Pachinco?! whew! ang ending namin, isang karaoke bar na malapit mula sa aking munting tahanan... Nagka-card tuloy ako don! hahahaa... siguro mga 3 oras rina ng tinagal namin sa lugar na iyon dahil ang sunod niyang sasakyan pagbalik sa Yokohama ay alas siete ng gabi... kanta dito kanta jan, kwento... tawanan, kain, lamon... at TOMA!!! hahahaha.... Matagal tagal na rin akong hindi umiinom ng alak ha! para tuloy akong uhaw to the max ng makakita ako ng alak sa menu ng karaoke bar! hahahaha...
Hindi naman ganon ka-dull ang pagtatagpo namin ni lowell... madada rin kasi siya at gaya ng sabi niya, napakanatural ko raw as in, at home na at home kahit san kami magpunta! hahaha... nakakatindig balahibo daw ako kung kumanta! nakow! hahahah... ang duga nga kasi, andami kong kinanta sa karaoke samantalaga siya.. huhuhuhu! well, masaya naman... halo halong storya ang napagusapan namin. Ang saya! well...
Kriiiiiiing..... alas siete na! uwian na... im worried kasi hindi ko alam kung nasiyahan ba siya sa pagpunta niya sa aming lugar or what, he told me na ok naman daw! pero hindi pa rin maiaalis ang pagka uneasy ko sa bagay na iyon kasi nga, ewan! hahahaha... inihatid ko siya mula sa train station, babalik raw siya tonight, he wanted to see me sing on-stage!whew! another kakabakaba itech! hahahaa... that's it! the journey.. eciting... adventure and quite funny day for both me and lowell!pareho kaming mga parang walang kaluluwang gala ng gala dito sa Isesaki! mga wala pang tulog! hahahaha....
A morning call, katatawag lang niya ulet kani kanina confirming me about my working place's address... well, let's see what will gonna happen next tonight folks!!! see yah laterz! wahoOoOo!